Thursday, April 2, 2009

Top 20 signs that a MOVIE is Gawang Pinoy!

1.Sasayaw sa likod ng puno ng buko pag nasa beach yung scene. Alternate pa yung mga ulo nila.

2.Yung kontrabida yayakap sa bida, sabay taas ng kilay at ngingisi.

3.Ang pancit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pancit sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin nito ang mga bata para kumain, at kakamustahin ng bida ang pag-aaral habang kumakain ng pancit. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng baril ang pamilya! Mamamatay si Anita Linda, at sisigaw ang bida ng "Inaaay!" at mangangakong ipaghihiganti ito... Moral lesson: Ang pancit, nakakamatay.

4.Pag may magkaribal na babae, yung mabait diretcho ang buhok at may bangs. Yung salbahe, laging kulot.

5.Sa pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.

6.Sa pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.

7.Kapag may angry mob na pupunta sa bahaykubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.

8.Alam mong moment of truth na ng bida kapag sinabi na niya yung title ng pelikula.

9.Ang tawag ng kontrabida sa mga goons niya, "Mga bata".

10.Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro ng bola, mabibitawan at mapupunta sa gitna ng kalsada. Tapos may darating na sasakyan, tapos itutulak siya ng bida. Yung bida naman ang nasa gitna ng kalsada. Biglang may sasakyang darating. Ang bida, ico-cross lang niya arms niya covering his face tapos sisigaw yung kapatid ng 'kuyaaa!'. Next scene nasa ospital na sila… Simula na ng drama.

11.Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida, pero umaaray siya pag ginagamot na siya ng leading lady, at kasunod na ang love scene.

12.Kapag sinabi na ng kontrabida ang masama niyang plano sa bida, ang sasabihin ng bida: "hayop ka!".

13.Ang bidang babae, pag katulong ang role, siguradong magiging anak ng amo niya sa ending.

14.Ang nanay ng mayaman laging may pamaypay na pangmayaman, at ang nanay ng mahirap laging naka duster.

15.Ang hideout ng kontrabida, parating mansion na may chicks sa pool.

16.Ang mga bida sa drama, pag nakatanggap ng masamang balita, laging may pinto sa
likod nila para puwede silang sumandal habang nagsa-slide dahan-dahan pababa, tapos todo iyak with matching uhog.

17.Pag di nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, "Mga inutil!".

18.Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.

19.Laging mas maganda ang yayang bida kesa sa kontrabidang anak ng amo niya.

20.Pag ang ending ng movie ay song and dance number sa beach o resort, ang huling frame, tatalon ang buong cast... sabay freeze.

Yung mga Pulis na palaging huli sa eksena ng bakbakan diko na isasama kasi di lang naman sa Pinoy Movie sila makikita, available din sila kahit sa mga foreign movies hehehe.

2 comments:

cathy said...

lintek ka lee, para akong sirang nagtatawa, alas dos ng madaling araw.

nakapanod ka na ba nog mga lumang pictures? yong sina Rogelio dela Rosa at carmen rosales.

Ang init-init, nasa kabukiran, pero nakaamaerikana ang mga anak mayaman.

ang konrabidang babae ay palaging nakastilleto shoes at nakaspaghetti na damit o kya ay backless. kuwento ni mader kasi siya noon considered kontrabida dahil sa porbinsiya namin siya lang ang naghahighheel at naglilipstick para magsimba.

Twilight Zone said...

nyahahaha kaya pala mader ko ayaw mag lipstik at gusto palaging unat ang buhok at my bangs, okrayin ko nga paguwi ko waaa

ahaha oo nung araw pagtapos ng eat bulaga nung mga bata pa kami my mga palabas na luma black n white pa sila Rogelio at Carmen hahaha