Monday, May 11, 2009

Pinoy New Bloggers, ang aming mga manok...

Influential Blogger by Janette Toral: Join the Top 10 Emerging Influential Blogs for 2009 Writing Project

Anu daw? diko alam kung qualified akong magsubmit ng vote una sa lahat di naman ako sinabihan ni ms.janette hahaha pangalawa di ako sikat-chupoy at wala akong credentials, wala akong matinong blog, pero meron ako ng....jaraaaan makapal na mukha kaya Go kami dyan syempre pa Go ang atribidang Lee... here na ang mga Pinoy na bagets na bloggers, salamat sa link kamahalang rheyna Elena ( http://reynaelena.com/ )
Nakakabilib ang mga kabataan sa panahong ito puro sila mga isip matatanda na, hala nabisita ko na sila lahat at talagang nakakabilib silang lahat at masasabi kong mga intellectual na mga bagets na susunod sa yapak nila Rheyna at Cat, most of them talagang binabasa ko regularly at madadagdagan pa ang aking susubaybayan.

May mga gusto sana akong isama kaso mga ti-gulang na sila, mga bagets lang daw eh sowee mga ka forgets, bagets na muna ang bida...


eto ang mga bagets na manok (pero di sila mga utak manok) na ninakaw ko sa kulungan ng kamahalang reyna elena...

Dare to speak out!
Dear Bloggery
It’s Johnonymous!
The Struggling Blogger
Chocolateword
Desert Fishing
Sa labas nang Mandaluyong
Brother Utoy
Extra Super Special Batchoy with Egg
Flamindevil


hala vote nyo na rin sila, pagkatapos katayin natin yung mananalo, lol!

43 comments:

reyna elena said...

HOYY!!! hahahaha! MAGNANAKAW hahaha! ninakaw mo ang aking TAFF TEN! hahahaha!

hahabulin ka nang itak ni Janette! hahaha

Twilight Zone said...

@Rheynz, yun na nga ba ang kinatatakutan ko, yung pagiging atribida at imprimitida ko habulin ako ng itak, naiimagine mo itchura ko pag itak-itakin ang byuti ko?
magmukha kaya akong giniling na dumpling?

Silver said...

Leee!!!!

hahahhaa....kasasabi ko lang na i-copy paste ang chorva taff ten ni Mudra....hahahhaha...

Inunahan mo ako...ninakaw mo na ang manok nya!!! hahahahahahaha....

Salamat pre sa pagbuto....hahahhaa!!!

Twilight Zone said...

pareng silver, ihinahanda ko na yung gagawing royal celebration pag nagkataon at nanalo mga manok na ninakaw ko sa kulungan ng mahal na reyna, sagot ko na patatas at sibuyas sa handaan sa palasyo,nawawala ang ating royal minister ah?

Roy said...

aba'y talagang mukhang maka-karir ko ang social climbing na natututunan ko kay Reyna Elena!

Salamat! Maraming-maraming salamat!

Mas maganda talaga, copy-paste na lang, hindi pa sila mapapagod maghanap, hahaha!

thanks!

Twilight Zone said...

@Roy, marami nakong nabasa dun sa mga dating blogs mo at sure na sure ako na magaling ka talaga at deserving

utoysaves said...

salamat po at kinopya nyo ang list ni Reynz. hayan tuloy, napasama ako. hehe... tenkyu, tenkyu!

Twilight Zone said...

@Utoy, alang anuman sensya kana muna ha kasalukuyang ban dito samin ang wordpress kaya di kita masilip pero pasasaan bat masisilipan din kita este makaka chamba din ako sa wordpress

Silver said...

hahahahha....

may isasama ka pang mga tigulang e ano...hahahhaha....

gusto daw nila ng mga batang manok! hahaha...

teka, sagot mo na pala ang patatas at sibuyas...ako as usual, sagot ko ang KANIN...hahahaha...

wala pa nga si JOhn...natulala sa nomination nya...hahahhaa...

Reesie said...

gagawin ko din to mamaya. go go go silver, snow, john and madiyr an2nette!!!!

sana manalo kayo sa eleksyon!:D

Johnonymous said...

Walang hiya!!! Some people missed me (leche ka uy!)

Hahaha... i think it's cool! whoever wins is just the same. After all, mga ka-PRE at kakosa naman sila sa Selda 14.

Sarap ng feeling na matawag na bagets (sa blogging).

Thank you.

Twilight Zone said...

@Silver, oo sana kaso di pala pede kaya this time for sure cheerer nalang kaming mga tigulang,sagwa.. makakita ka ba naman ng cheerer na tigulang gaya lalo pa naka short pa... magiinit ka... magiinit ulo mo sa makikita mong tuhod na kulubot.

@Reesie, sister malaking piging ito pag nagkataon at nanalo mga manok natin, puro bagets na manok ang iaapritada natin hehe.

@John, mahal na ministro na miss ka tagala namin ng husto (bat my uy kapa dyan lol)di tayo pede mabulilyaso at isang sakong patatas ang binabalatan ko.

Janette Toral said...

Hello. Please don't forget to submit your entry by posting a comment at

http://www.influentialblogger.net/2009/05/join-top-10-emerging-influential-blogs.html

Thank you. =)

Twilight Zone said...

salamat sa info mam janette at salamat din sa pagsilip

daretospeakout said...

Lee and Reesie,


Sakay na tayo sa kawa ni John...

Hahahaha....


ROFL...isang sakong patatas...hahahha.....

Twilight Zone said...

@Silver, kala ko pa naman my bago ka ng act bukod sa wordpress yun pa rin pala, bat walang comment section yung podcast mo gaya kila rheynz?di tuloy ako makapag comment dun sa pinagbilhan ng yelo lol lol

Johnonymous said...

Oh my goodness, I am so behind with you guys...

How are things?

Yes, podcast ni Silver... comments...

Jan said...

Ngayon na-gets ko na kung ano iyong mga paratang ng Reyna sa iyo. Ikaw naman pala e may sala. Guilty as charged.

Di lang pala isang manok hinarbat mo e. Buong kulungan ng manok, pati un patukaan at painuman hinakot mo. Ahahaha.

Sa lahat ng copy-paste ito ang papalakpakan talaga. ",)

Salamat, Silver.

Jan said...

Ei, may Twitter account ka ba? Follow sana kita kung meron. Just in case ito username ko dun: jan_geronimo. Thank you ulit. ",)

Twilight Zone said...

Jan naligaw ka ako si Lee hindi si Silver hahaha.

sorry Jan strict ang parents namin ban din ang twitter at pati nga plurk dito samin waaaa

cathy said...

lee,

anong luto ang gusto mo, tinola,lechong manok o ginataang manok?

elmot said...

ahaha! anak ng tinapa, eto pala ang kaguluhan sa palasyo ni reyna ng mga nakawan ng manok! buti di pa nagsiitlog, ahah!

lee, slamat sa visit at comment sa blog ko ha...takot ako, sbi ko sino kaya tong twilight zone na to, kala ko isang engliserang amerikanang mahilig sa spam at corned beef, hingi sna akong freebies, ehehe! ikaw pala!

slamat rin sa pagsama mo skin sa blog roll mo, flattered naman akech, ehehe!

naku, jan, ayan...natututo na kong mangchorva, di lg si roy, hahagalpak ka na sa kakatawa.

welcomin mo naman ako dito, baka palayasin mo na ko pagkatpos ng kadaldalan ko, ehehe

Twilight Zone said...

mam cat peborit ko sinampalukan lalo pat native at bagets ang manok hehe.

naku @Elmot welcome na welcome ka dito sa kulungan este sa aking kubo,diko nakita kagad tong comment mo e kakagaling kolang dun sa blog ni roy ikaw pala ang bisitang pandangal nya dun nagulat ako tapos pagbalik ko nandito kana.
sana next time ikaw naman ang maging kandidato at repserentative ng mga bagets na bloggers.
salamat sa pagdalaw

Roy said...

hahaha dumarami na ang tambayan

magkakahirapan ng maghanapan nito hahaha

may chorva ka na rin elmot! ;)

aba! updated na rin pala ang listahan mo lee!

Twilight Zone said...

lol tama ka dyan dadami na tambayan at magkakahipan na paghahanapan hahaha, oo inaupdate ko blogroll ko kasi yan lang ang pinaka dyaryo ko sa umaga magbasa ng mga blogs na nakolekta ko habang umiinom ng mainit na kape bago ang labada at plantsahin,wag lang mahuli ng amo kundi sisante ko lol lol

Silver said...

Hahah...

Lee, yung podcast ko e walang comment form...pasensya na at medyo jologs..

dun na lang kayo sa blog ko magcomment...ay, di mo pala maacess...hahahha...

Silver said...

Naninibago ako kay Roy,,

May chorva pang nalalaman...hahahhaha

Jan said...

Hi Lee,

Sorry ha, nagkamali me previously.

Kaya pala tinutulak ako ni Elmot pagpunta dito. Un pala may kapalpakan ako ginawa. Ahaha. Humihingi ng sorry, pero tumatawa. Ano ba ito!

To paraphrase Elmot, sorry po talaga akech. Ooops, tama ba spelling? Ahahaha.

Buti pa kayo may mga podcast na. Well, saka na lang me magtry nyan. One step at a time. ",)

Luis Batchoy said...

Salamat po sa pagnakaw na mention dito sa blog mo dun sa blog ko. Heheheh.. Parang clonign lang pala to no? Yung film ni Juday na di napasama sa Oscars Final List? Hehehehehe

Korneh!

Salamat po at bisita kayo sa batchoyan minsan. More power po.

Twilight Zone said...

@Silver, pare sana my comment box din wlastek e tawa ko ng tawa sa yelo mo di ako makapasok sa site mo e kaasar,hahaha nanibago ka bigla kay Roy hahaha.

@Jan, oki lang mapagpasensya ako sa mga cute na tao.

@Luis, naku sinilip na kita kahapon nung ninakaw kita sa kulungan ng mahal na reyna tawa ako ng tawa kaso di ako makapag comment naghahang pc ko,balik ako pag dina naghahang pc ko

Snow said...

Maraming-maraming salamat Lee. ^_^
Pramis pakakainin kita ng balut pag-uwi mo...hihihihi...

elmot said...

si jan cute?! magugunaw na ang mundo!

eheh! slamat sa pagwelcome mo...grabe nga ung mga sulat ni roy about skin eh, feeling ko tuloy parang si fafa fiolo na ako sa pagkagwapo eh!

eheh! tawa naman ako, baka sa next time na un, di na ko bagets noh,a ahahha!

oh, andyan na yata amo mo, maglaba ka na lee, ahhaha!

pangit naman nag word verifcation: "itige!" anak ng putik naman oh..

Twilight Zone said...

@miss snow pitchur naman na my otograp mo next time ha?

@Elmot, ayoko pang magunaw ang mundo, Jan panget ka pala dika pala cute.

pmonchet said...

lee- Galing ng top 10 mo ha. Gawa din ako. Bigyan mo ako suggestion, pwede?

Twilight Zone said...

nakuu manong mon kung alam mo lang na ninakaw kolang yang mga manok na yan sa kulungan ng reyna masesermunan moko

Jan said...

@Elmot: Hoy, di naman sinabi gwapo, o pogi, o magandang lalaki. Sa cute na nga lang bumagsak nag apila ka pa. Kung may pambayad lang ako sa campaign manager, sisante ka ng bata ka. ahahaha.

@Silver - di ba ba puedeng pagsamahin yun cute at panget? hays...di bale, dadaanin ko na lang sa bait. Alam mo na, kung walang ipa flaunt e di magbait baitan na lang.

Kahapon pa itong koment ko. Winalangya lang ako ng broadband dito sa amin kagabi. Biglang gapang sa bagal. Buti na lang nai-save ko itong comment for today. Ahahaha.

Jan said...

Heto na naman ako at sumilver ng sumilver. Wala naman pinakain si Silver sa akin nun bumisita ako sa blog nya.

Malala na ito.

Suhulan na lang kita, Lee! Itweet ko na lang itong post mo para maraming eyeballs. Hahaha.

Ano pa ba puede kong gawin. Ah, gusto mo i-Facebook status ko na lang itong post nato?

Ah, both? ahahaha. Sige, para makabawi na talaga ako sa kaengotan ko dito.

Salamat sa mahabang pasensya, Lee. Oh, korek na ha? lol

Janette Toral said...

Hello Lee. Kindly note that Brother Utoy started before May 2008. Please replace it with another blog to complete your top 10. Thank you.

elmot said...

nako eto na naman si jan, ano bam, lagi yatang pork at beans kinakain mo eh...memory gap yan,e hehe!

mahalia said...

salamat Lee, paano bang tumaya sa sabong? hehehe

Mac Callister said...

sana manalo si flamindevil hehe!

DoctorDude said...

Hi!

Congratulations po sa mga nominado!
Just wanted to put my blog out there, and maybe, probably, you can reconsider it as part of your 2009 list: http://doctordude.net.

Maraming salamat po!

Janette Toral said...

Hi Lee. Kindly update this blog post on or before August 3 in order to be counted.

For inclusion in the raffle, please ensure that the latest list of sponsors is reflected.

If I recall correctly, I read that you are having problems in accessing this blog, you can already make an entry in a different blog that shall replace this one. However, please do that on or before July 30.

Thank you.