Friday, November 7, 2008

Magbayad ng Koryente sa Meralko.

ETONG KWENTO NG KANDILA AY NAPAPANAHON LANG. MAIKLI LANG TO........

ANG KANDILA

Pag dating ni Lando sa bahay, sabi ni Tekya, ang asawa niya, "Sweetheart, delayed ako ng isang buwan. Kagagaling ko lang sa doktor.Pero huwag mong sabihin kahit kanino, baka mapahiya lang ako kapag dinagkatotoo."

Kinaumagahan, merong dumating na taga-Meralco.
Pagbukas ng pinto, sabi niya, "Ale, delayed ho kayo ng isang buwan."
"Kanino mo nalaman ito?" tanong ni Tekya.

"Nandito ho nakasulat sa records namin," sagot ng taga-Meralco.

"Talaga? Nakasulat sa records ninyo?"

Sa sumunod na araw, si Lando ay dumating galit na galit sa counter ngMeralco.
"Paano niyo nalaman na delayed ng isang buwan ang misis ko?

"Konting pasensya lang. Kung gusto niyong mawala sa records namin ito, magbayad na lang kayo," sagot ng isang empleyado.

"Eh, kung ayaw kong magbayad?" tanong ni Lando.

"Puputulan ho kayo," sagot ng empleyado.

"Kung puputulan ako, anong gagamitin ng misis ko?"

"Pwede naman siyang gumamit ng kandila di ba?

5 comments:

mon said...

Nice one. Napadaan lang po galing kay reyna elena

Twilight Zone said...

salamat naman sa dalaw, wala ako ng dumaan ka e sana naipagbukas manlang kita ng....bintana!(kala mo coke huh).

reyna elena said...

hak hak hak! indi advisable ang kandila noh! hahaha!

Twilight Zone said...

sabi ko nga reynz, ako naiiklian ako sa kandila lolz.

cathy said...

hahahaha