Thursday, November 20, 2008

Kung Pinoy si Noah...

Para sa lahat ng PINOY.

click to comment

Patalastas muna, sisingitan ko muna ng hindi joke para lang paghahanda sa nalalapit na eleksyon...

Kung Pinoy si Noah...


Ganito ang mangyayari sa barko...


Taong 2007 at isang ordinaryong middle class Pinoy si Noah.

Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing..

click to comment

"Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas

click to comment

Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko

click to comment

at isakay mo rito ang pares-pares na mga
hayop

click to comment
click to comment
click to comment

at mga mag-asawang pilipino sa iba't ibang kapuluan."

Ibinigay kay Noah ang "specs" ng arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.

Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah.

Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos,

click to comment

"Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo? "Tumugon si Noah,"Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo."

click to comment

At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko. Humingi siya ng Mayor's permit

click to comment

pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman pero
papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission.

click to comment

Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.


'Old Party' Workers Demonstration Pictures, Images and Photos
Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi
makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay).

Hitler Painting Pictures, Images and Photos

Nakisali sa rally ang mga bakla
at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.

click to comment

Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga
gambling lords at katas ng hueteng .

$$$$$$ Pictures, Images and Photos

Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.


click to comment

Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separasyon ng simbahan at state

click to comment

click to comment

. Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.
click to comment

Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo.
Vietnam Soldiers Pictures, Images and Photos

Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA.

Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan,

click to comment
"Towards a Strong Republic".

"Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto". Ang huling wika ni Noah.

Napa-iling ang Diyos at sinabing,

"Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito."

4 comments:

mon said...

Ayos hehehe. Ganda . gling -gling naman

bluepanjeet said...

wow. very witty indeed. I like the parody so much. Ikaw ba ang gumawa nito?

Pag pinaskil mo mukha ni GMA sa barko, hindi pa ito nakakalayag, lulubogna yan haha

Twilight Zone said...

@bpanjeet hahaha forwarded email yan, yun lang mga pics nahirapan ako mangolekta ng magmamatch sa kwento lolz.

Twilight Zone said...

@bpanjeet hahaha forwarded email yan, yun lang mga pics nahirapan ako mangolekta ng magmamatch sa kwento lolz.