Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil na payo na nakuha ko sa aking mga magulang.
1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE :
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."
2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay:
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"
3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC :
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC:
"Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine."
5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY:
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"
6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM:
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"
7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng STAMINA:
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"
8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER:
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"
9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."
10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION:
"Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!"
11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS:
"Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!"
12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY :
"Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"
13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION :
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"
14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING:
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"
15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR:
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"
16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE :
"Balang araw magkakaroon ka rin ng anak...tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
haha ganyan din yung lola ko sa amin. pati father ko. ang mother ko hindi masyado. madami pala tayo natutunan sa mga magulang natin ano haha
anyhow, akala ko lalaki ka, babae ka pala haha. Linsyak na yan. For all i know eh Lee is a male name. asus nung inistolk kita sa mybloglog mo eh babae ka pala haha.
buti na lang di ako bastos sayo kung di baka nabastos kita nang wala sa isip ko, siraulo pa mandin ka ako mag comments minsan pag alam ko na lalaki ang may ari ng blog haha
anyhow God Bless and bilib ako sayo, kababae mo tao ang lakas ng sense of humor mo haha
hahaha ok lang yun ah sanay tayo na puro barako kasama hahaha
nabasa ko na ito pero talagang nakakatawa. hhahaha
oo nga cath tagal na neto kumalat sa emails mga more than a year na nung mareceived ko toh lolz
unga(parang baka)pero masarap pa rin ulit ulitin. Dati kasi ganyan din ako sa anak ko. Nung nabasa ko ito,hinintuan ko na.Salamat ha kapatid.
haha nung pinakita ko ng yan sa Mader ko e natawa kasi my mga part dyan na sinasambit nya nung mga bata pa kami,minsan naalala ko nung naglalaro kami ng mga pinsan sa hagdan sabi ba naman nung tyahin ko sa anak nya "naku bata ka pag nahulog ka dyan dadamputin kitat ihuhulog kita ulit" ayun nahulog nga dinampot naman pero di naman hinulog uli lolz.
Craaaaazy!!!
Para akong tanga... Tawa ng tawa mag-isa!
haha dont worry di ka nag iisa ganyan din ako nung una ko tong mabasa
Post a Comment